Hainan mo ako ng kahit anong almusal,

kung wala kang tapsilog ayos din ako sa pandesal

at isang tasang kape basta nariyan ka lang.

Huwag kang mag-abala sa oras ng tanghalian

kung walang kare-kare, okey na ako sa bagoong

basta nariyan ka lang sa aking harapan.

Sa pagkain ako’y hindi pihikan na katulad ng iba

basta ikaw lang ay kasama ko kahit ano ay puwede na

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Huwag mong intindihin sa pagsapit ng hapunan,

kamatis lamang at asin maa-ari kong mapagtiyagaan

basta sasabay ka lang ligaya ng tunay

Higit na mas mahalaga sa akin ay ang nakikita ka

Basta ikaw lang ay kasama ko kahit ano ay puwede na

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Bawat sandali ako ay lumiligaya, lubos ang saya basta nariyan ka.

Copyright 2007. Free Song Texts
cheap limousine chicago Epitafium Kosowi - Kochanowski Jan Rozmowa o poezji - Grochowiak S. Broniewski Władysław Do siostry - Leśmian Bolesław